Advertisers

Advertisers

UNDAS MESSAGE NI PBBM: MAGING MAS MABUTING TAO

0 21

Advertisers

NAKIKIISA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Katoliko sa buong bansa sa paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Pangulong Marcos na sana ay magsilbing inspirasyon ang mga holiday na ito upang maging mas mabuting indibidwal at mas mabuting Pilipino ang bawat isa.

Ayon sa Pangulo, ang panahon ng Undas ay isang mahalagang pagkakataon upang maalala ang mga sakripisyo at pagmamahal ng ating mga yumaong mahal sa buhay noong sila’y kasama pa natin.



Sinabi rin ng Pangulo na ang All Saints’ Day ay paalala sa atin na magsikap gaya ng mga banal na nagpakita ng natatanging malasakit, kabutihan, at pagpapakumbaba.

Bilang pagdiriwang, hinimok ng Pangulo ang mga Pilipino na maglaan ng oras kasama ang pamilya, dumalaw sa mga yumaong kamag-anak, at ipanalangin sila.

Pahayag pa ni Pangulong Marcos, sana ang paggunita ng Undas ay magpaalala ng ating magagandang kaugalian bilang isang bayan—matibay na pananampalataya, katatagan, at pag-asa sa kabila ng hamon ng buhay. (Gilbert Perdez)