NAGLABAS ng proklamasyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagdedeklara sa anibersaryo ng pagkakatatag ng Iglesia ni Cristo (INC) sa July 27, 2025 bilang special non-working holiday sa buong bansa.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang Proclamation No. 729 ay inisyu upang bigyan ng buong pagkakataon ang mga miyembro ng INC na makilahok sa nabanggit na mahalagang okasyon.
Pirmado naman ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang direktiba noong Oktubre 30 ngayong taon.
Ang INC ay isa sa pinakamalaki at pinakamaimpluwensyang religious groups sa bansa. (Gilbert Perdez)