Advertisers

Advertisers

Erpat kinatay ng adik na anak

0 11

Advertisers

Idineklarang dead-on-arrival ang  53-anyos na ama nang ataduhin ng saksak sa dibdib ng anak na high sa droga sa loob ng kanilang bahay sa Hacienda Bacsay, Barangay Robles, La Castellana, Negros Occidental.

Kinilala ni Police Major Rhojn Darell Nigos, hepe ng La Castellana police, ang biktima na si Rolando Mosquera Sr.



Sa ulat, kakauwi lang ng biktima mula sa pagtatanim ng puno ng saging nang salubungin ng saksak ng kutsilyo ng kanyang 21-anyos na anak ang dibdib nito.

Humingi ng tulong ang biktima sa mga kamag-anak at dinala sa ospital kung saan idineklara itong patay.

Naaresto ang salarin habang nagtatago sa isang madamong lugar at narekober ang kutsilyo na ginamit sa krimen, isang maliit na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P544, dalawang lighter, at isang kulay berdeng kurtina na may mga mantsa ng dugo.

Sinabi ng pulisya na inaakala ng salarin na binabalak ng kanyang ama na ilibing siya ng buhay nang nagtatanim ito ng mga puno ng saging.

Kagagaling lang ng Bicol nng salarin kung saan ito ipinadala dahil sa kanyang pagkalulong sa droga.



Isinailalim sa drug test ang salarin at sasampahan ng kasong parricide at illegal drugs.