Advertisers

Advertisers

Misis may ka-text na boylet, minartilyo-patay ni mister

0 304

Advertisers

BASAG ang bungo ng isang ginang nang pukpukin ng martilyo ng kanyang mister nang mahuli itong may ka-text na ibang lalaki sa South Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Shiela Ynot Penido, 37; habang nadakip naman ang asawa niyang si Ricky Gumapac Penido, 40, kawani ng Deparment of Labor and Employment (DOLE) sa South Cotabato, mga residente ng Purok Maria Rosa, Brgy.Poblacion, Polomolok, South Cotabato.
Sa report, 6:00 ng gabi nitong Martes nang maganap ang krimen sa loob ng bahay ng mag-asawang Penido.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng matinding pagtatalo ang mag-asawa nang mahuli ng Mister na may ibang ka-text na lalaki ang misis.
Dahil dito, kumuha ng martilyo si Ricky at pinagpapalo sa ulo si Shiela, sanhi ng pagkamatay ng babae noon din.
Matapos ang krimen, tinangkang tumakas ng salarin gamit ang kanyang sasakyan, subali’t nabangga ito.
Kaagad nadakip ang mister at nahaharap sa kasong parricide.