Advertisers

Advertisers

Donny aminado, sumikat dahil sa ambag ng kalabtim na si Belle

0 25

Advertisers

Ni Jimi Escala

HANDA na raw main-love muli ang Kapamilya Star at Box-office Queen na si Kathryn Bernardo. Ito Ang binanggit ni Kathryn nang naging guest siya sa programa ng King of Talk Boy Abunda na “ Fast Talk with Boy Abunda”.

After more than a year nang maghiwalay sila ni Daniel Padilla ay very much ready na raw si Kathryn na buksan muli ang kanyang puso para makipag boyfriend, huh!



Ayon pa kay Kath, sakali mang dumating at makita na niya ang lalaking muling magpapatibok ng kanyang puso ay handang-handa na raw ang Kapamilya superstar.

Sa deretsahang tanung ni kita Boy kung handa na siyang magkaroon ng boyfriend

“Kathryn, yes or no, are you ready to fall in love again?” Na sinagot agad ni Kathryn ng, “Yes!”

So there ..

***



NAKILALA muna bilang VJ ng MYX channel noong 2016 bago siya pumalaot sa mundo ng showbiz.

Sa tulong siyempre ng kanyang mother studio ABS CBN ay nagtuluy-tuloy ang kasikatan ni Donny Pangilinan at patuloy ang paggawa ng binata ng mga projects.

Siyempre, happy naman ang binata sa takbo ng career niya lalo na ngayong muling pumirma siya ng kontrata sa Kapamilya network kamakailan.

“I’m just super happy to be here in ABS-CBN. Time flies so fast. But I know that there’s so much more in store and I’m here with you guys and I am very, very much ready to overcome what we need to overcome,” bungad pa ni Donny sa interview.

Masaya lalo ang mga magulang ni Donny na sina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan sa tulong na rin ng Star Magic na nangangalaga sa career ng anak nila, huh!

Itinuturing ni Donny na pangalawang pamilya na ang pamunuan ng ABS-CBN.

“I am very blessed also that I am with bosses who I can consider family and who I can consider people really listen to you and who really collaborate with you and they will figure out on what they can do just to have the best come out, even for the audience and everyone who’s watching. So, thank you so much for that,” lahad pa rin ng sikat na aktor.

Aminado rin si Donny na may ambag din sa kanyang tinatamasang kasikatan ang loveteam niyang si Belle Mariano.

Kumbaga, isa sa talagang pinakasikat na love team ang tambalang Donny at Belle, huh!

Super tinangkilik nang husto ngayon ng mga tagahanga ang tambalang DonBelle sa serye man o pelikula.

Starting sa Nov. 25 ay mapapanood na sa pamamagitan ng Viu ang How To Spot A Red Flag na muling pagbibidahan nina Donny at Belle. “Thank you rin sa pamilya ko, and siyempre kay Belle. Kasi malaking part siya sa journey ko. And I am just very happy na we get to do more things together,” paglalahad ng aktor.