Advertisers

Advertisers

Julia binati nang buong pagmamahal sa b-day si Coco; John “pambansang babaero”

0 19

Advertisers

Ni Beth Gelena

NAG-celebrate si Coco Martin ng kanyang 43rd birthday nitong November 1.

Inaabangan ng marami sa Instagram Page ni Julia Montes ang pagbati niya sa actor.



Hindi naman sila nabigo.

Isang maiksi ngunit sweet na pagbati ang binahagi ni Julia para kay Coco sa pagdiriwang ng kaarawan nito.

Post ng aktres sa kanyang Instagram, ang litrato ni Coco na tila may sinusulat habang nakangiti.

Kalakip nito ay ang birthday message ni Julia na maigsi lamang pero full of sincerity of love.

“Super proud of you. Happy birthday with love emojis.”

Sa comment sections ng IG post ni Julia ay bumaha ang pagbati para sa aktor hindi lamang mula sa mga tagahanga niya kundi mula rin sa mga kaibigan nila sa showbiz.



Ipinakita ng mga ito ang suporta at pagmamahal ng publiko kay Coco, na patuloy na nagbibigay inspirasyon sa marami sa kanyang mga proyekto at aktibidad sa entertainment. Hanggang ngayon mahigit na isang dekada na napag-uusapan ang relasyon ng CocoJuls, pero wala pa ring tuwirang pag-amin mula sa kanila kahit na nagsabi pa noon si Coco na 12 years na silang nagsasama ng aktres.

Hindi na sila inurirat pa ng press, pero lagi naman nilang binabahagi sa social media ang mga litrato nila kapag nagbabakasyon at pumupunta sa ibang bansa.

Knows naman na sa industriya ang relasyon ng dalawa.

Sobrang lalim na ang kanilang pinagsamahan.

Sabi nga action speaks rather than words.

Gusto lang nilang maging pribado ang kanilang buhay kahit na sila ay mga public person.

Ginagalang naman ng mga manunulat ang desisyon ng celebrity couple.

***

VIRAL ang video ni John Estrada sa social media na kuha sa isang bar.

Isang Facebook user na si Keken Quiñonez ang nagpost ng nasabing video.

Sa video makikita ang actor na in an all-white ensemble, looking chic and fine.

Ang caption na nilagay ng FB user, “Mag-chill muna raw si Rigor, Lena,” referring to John and Mercedes Cabral’s viral and iconic roles in FPJ’s Batang Quiapo.

Last June ay naglabas ng statement ang actor hinggil sa status nila ng asawang si Priscilla Meirelles.

Sey ng actor, “Priscilla and I have mutually agreed to take a break for quite some time now.”

Sa viral video ay makikitang may kasamang girl ang actor.

Komento ng mgs netizens:

“Aagawin Yan ni David pag inuwi nya”

“Babaero talaga tsk tsk kelan kya to makakarma”

“Tumatandang walang pinagkatandaan. May kilala akong ganyan.”

“ang ganda ng bagong partner niya”

“feeling binata ang lolo”

“Sakit nya na yan jusko naka ilang matitinong babae na syA.

Hahahah pag tanda nyan saka nya maiisip yan….nakakahiya sa mga anak nyang babae….”

“a man who only takes and takes and has no purpose in the world but own satisfaction”

“Grabe Ganda ng babae n rigor baka mag selos c Lena tska c marites”

“Sana all sissy si rigor Enjoy”

“Maganda na ung asawa nia nakuha pa din magloko”

“Mas maganda c Priscilla”

“OMG, John Estrada you are really a man without honor. I was so impressed pa nmn sa kasal nyo ni Priscila ganyan lng pala gagawin mo sa kanya. You are leading your life to the wrong direction.”