Advertisers
NASAWI ang 8-buwan na sanggol sa sinapupunan ng isang ina nang aksidenteng mabaril ng ama nito, Sabado ng hapon sa Cadiz City, Negros Occidental.
Sa report kay Lt. Colonel John Joel Batusbatusan, hepe Cadiz City Police Station, nagtungo ang ama sa bahay ng kaibigan kasama ang live-in partner sa Purok Zone 4, Brgy. VF Gustilo upang ipakita ang kaniyang .38 revolver na may mga bala.
Gayunman, aksidenteng pumutok ang baril at tinamaan ang tiyan ng kaniyang 34-anyos na live-in partner na 8-buwan buntis.
Agad isinugod sa ospital ang ginang pero hindi na naisalba pa ang buhay ng sanggol sa kanyang sinapupunan.
Sumuko naman ang salarin at hindi na kakasuhan nang humingi ng tawad sa kinakasama. Sinampahan pa rin ng pulisya ang salarin ng illegal possession of firearm and ammunition.