Advertisers

Advertisers

3 pulis kinalikot CCTV ng ni-raid na POGO hub, sibak

0 30

Advertisers

SINIPA na sa puwesto ang tatlong personnel ng Philippine National Police Acti-Cybercrime Group (PNP-ACG) nang pakialaman ng mga ito ang Closed-Circuit Television (CCTV) camera sa kasagsagan ng isanagawang raid sa isang POGO ‘scam hub’ na nag-o-operate sa Century Peak Tower sa Malate, Manila.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang mga operatiba na naglalakad sa hallway ng building nang lapitan ang isang CCTV at ibinaling ito sa ibang direksyon.

Ayon kay Major General Ronnie Francis M. Cariaga, direktor ng PNP-ACG, ang tatlong personnel ay nahaharap ngayon sa kasong ‘administrative’ at sumasailalim sa imbestigasyon. Inilagay na ang mga ito sa Personnel Holding and Accounting Section habang isinasagawa ang imbestigasyon.



Sa initial na imbestigasyon, nalamang sinadyang patayin ang elevator at air conditioning system ng Century Peak Tower, dahilan upang maglakad ang mga operatiba mula 1st floor hanggang 23rd ng gusali kungsaan nag-o-operate ang umano’y scum hub.

Dahil dito, naghubad ng t-shirt ang operatiba sa sobrang init at pawis na pawis na naglalakad sa hallway na nakikita sa CCTV. Nilapitan ito ng isa sa mga operatiba at ibinaling sa ibang direksyon.

Sinabi ni Cariaga na pinahahalagang nila ang “welfare” ng mga police officer, nguni’t siniseryoso rin nila ang insidente at hindi ito kukunsintihin sakaling mapatunayan nagkaroon ng pagkukulang o pagkakamali papatawan nila ang mga nasabing pulis ng karampatan parusa.

Magugunita na sinalakay ng mga otoridad ang isang POGO hub na nag-o-operate sa 23rd floor ng Century Peak Tower sa Adriatico St, Malate, Manila, Oct. 29, 2024.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">