Advertisers
NAPILITAN umamin ni Rhunna Catalan, chief accountant ng Department of Education (DepEd), sa House hearing nitong Martes, Nobyembre 5, na siyam na beses siyang tumanggap ng envelope na may lamang P25,000 cash mula sa tanggapan ni Vice President Sara Duterte noong ito pa ang kalihim ng kagawaran.
Si Catalan ang ikatlong opisyal ng DepEd na umaming ilang beses tumanggap ng cash envelopes mula sa tanggapan ni VP Sara.
Nauna nang umamin sina dating DepEd Bids and Award Committee chairperson Resty Osias, at dating DepEd Undersecretary Gloria Mercado.