Advertisers

Advertisers

Mag-live in niratrat nang kumatok na gunman

0 10

Advertisers

Sugatan ang mag-live-in partner nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakilalang salarin sa loob mismo ng kanilang bahay sa Sitio Sampalok Lakers, Brgy. Malabanban Norte, Quezon, Martes ng gabi.

Ayon sa report ng Candelaria police, natutulog sa bahay ang mga biktimang sina Jose Zamora, 35- anyos; at Odesa Carandang, 43-anyos nang katukin ang mga ito ng mga salarin 10:00 ng gabi.

Nang pagbuksan ng mga biktima, bigla na lamang ang mga itong pinaputukan ng dalawang lalaking nakatayo sa pintuan ng bahay bago mabilis na tumakas.



Nagtamo ng mga tama sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang mga biktima at isinugod sa Candelaria District Hospital kung saan sila nilalapatan ng lunas.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng 9mm at kalibre 45 baril na ginamit ng dalawa.

Napag-alaman na dati ng naaresto si Villena sa buy-bust operation ng Candelaria police sa kasong pagbebenta ng iligal na gamot.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam ang motibo sa krimen at kung sino ang mga salarin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">