Advertisers
UMABOT sa 71 estudyante at guro ng College of Computing and Information Sciences (CCIS) ng Mariano Marcos State University (MMSU) sa Ilocos Norte ang naospital nang kumain ng ‘chicken afritada’.
Kinumpirma ito ni MMSU health department officer Dr. Saturnina Nisperos na nangyari November 3, 2024 nang magkaroon ng pagsasanay ang mga estudyante para sa nalalapit na university games.
Ayon sa opisyal, nag-order ang administrasyon ng MMSU ng chicken afritada at adobong sitaw na nagkakahalaga ng P14,000 upang makain ng mga estudyante at guro pagkatapos ng kanilang ensayo.
Bandang hapon, kinain ng mga estudyante at mga guro ang naturang pagkain ngunit ilang minuto lamang ay nakaramdam na ng pananakit ng tiyan, pagsusuka ang mga ito kaya agad na dinala sa ospital.
Sa salaysay ng mga biktima, may ibang amoy ang chicken afritada na kanilang kinain.
Sa ngayon, ligtas naman lahat ang mga estudyante at guro, at gumagawa ng follow-up investigation ang MMSU hinggil sa insidente.