Advertisers
IGINIIT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangangailangan ng mas masusi at maagap na mga hakbang upang mabawasan ang epekto ng mga bagyo.
Ginawa ni PBBM ang pahayag matapos pangunahan ang pamamahagi ng ayuda sa libu-libong magsasaka at mangingisda sa Pili, Camarines Sur.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ng Pangulo na hindi titigil ang pamahalaan sa pamimigay ng tulong sa mga komunidad na naapektuhan ng kalamidad.
Umaasa rin ang Presidente na mabilis na makababalik sa normal ang mga apektadong lugar.
Ipinunto ni Pangulong Marcos na karaniwan na ang mga kalamidad sa bansa dulot ng climate change kaya’t kailangan na aniyang gumawa ng maagap na solusyon upang hindi na muling mangyari ang ganoon kalaking pinsalang dala ng mga bagyo.
Kasabay nito, inatasan ng Chief Executive ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na bumalangkas ng mga estratehiyang akma sa pangmalawakang matinding pagbaha at maiwasan na ang mga ganitong pangyayari sa kabila ng inaasahang pagbabago ng panahon. (Gilbert Perdez)