Advertisers

Advertisers

Go sa publiko: Too early to celebrate; magdasal para sa masaganang Bagong Taon

0 414

Advertisers

Nagpaalala si Senator Christopher “Bong” Go sa publiko na masyado pang napakaaga upang magselebra ngayong Kapaskuhan dahil baka malagay sa panganib ng COVID-19 virus ang sarili at ang mga mahal natin sa buhay.

“Ngayong Pasko, mag-ingat tayo. Huwag muna magkumpyansa, ‘wag muna mag-party. Lampasan natin ang pandemya para makapag-celebrate tayo nang maayos sa susunod na taon,” ang apela ni Go.

Ayon kay Go, ang inisyal na tagumpay sa pagkontrol ng outbreak ay naging posible dahil na rin sa pagiging responsable ng karamihan sa pamamagitan ng pagsunod sa health and safety protocols, gaya ng pagpapairal ng social distancing.



Kaya hinimok niya ang publiko na patuloy na sundin ang mga protocol upang mamantina ang pagpigil sa outbreak sa pamamagitan ng pag-iwas sa malalaking pagtitipon.

“Kesa magpumilit kayo baka di na kayo abutan ng susunod na Pasko. Isipin niyong mabuti ang inyong kapakanan. Ginagawa po ng gobyerno ang lahat, sumunod lang kayo. Nagiging epektibo po pag sumunod tayo sa [social] distancing. Too early to celebrate ngayon na wala pa pong vaccine na naituturok dito sa ating bansa,” ayon sa senador.

“Pumili [kayo]: mag-celebrate kayo ng Pasko ngayon pero magkasakit kayo dahil nagkumpol-kumpol kayo o mag-celebrate ng Pasko sa susunod na taon [kung kailan] na nalagpasan na natin ang pandemyang ito?” dagdag niya.

Nauunawaan ni Go na marami ang nagnanais na makasama sa holidays ang kanilang mga pamilya ngunit dapat ay maging maingat at maging mapagbantay.

Tiniyak niya na sa ilalim ng liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte, ginagawa ng gobyerno ang lahat para magkaroon na sa bansa ng ligtas, epektibo at sapat na COVID-19 vaccines para maibalik sa normal ang ating pamumuhay.



Imbes na magselebra aniya, hinikayat niya ang Filipino na marubdob na magdasal sa Diyos para sa masaganang susunod o Bagong Taon sa bansa.

“Huwag kayo mawalan ng pag-asa. Kapit lang tayo, mga kababayan ko. Nandyan naman ang gobyerno, si Pangulong Duterte naman po ay andyan. Sa abot ng aming makakaya, tutulong kami sa inyo. Dasal muna tayo ngayong Paskong ito. Marahil sinusubukan ng Panginoon ang ating pananampalataya sa kanya. Better ngayong Pasko, paigtingin natin ang pananampalataya and magdasal tayo for a better year next year. Ibig sabihin, mayroon namang light at the end of the tunnel. Magtulungan lang tayo. Sino bang magtutulungan kundi tayo lang po?,” ayon sa senador. (PFT Team)