Advertisers

Advertisers

Sen. Lacson handang tumulong sa Palasyo para matukoy ang puede i-veto sa nat’l budget bill

0 192

Advertisers

HINIKAYAT ni Senador Panfilo Lacson ang Palasyo na rebyuhin nang mabuti ang P4.5-trillion 2021 budget bill dahil sa mga kahina-hinalang items na nakapaloob sa Department of Public Works and Highways’ budget.
Ayon kay Lacson, handa umano siyang tumulong sa pag-review at ituro kung alin sa mga items ang kailangang i-veto.
Paliwanag ng Senador laman kasi ng ratipikadong 2021 budget bill ang mga kuwestiyunableng item tulad ng double at overlapping appropriations kabilang na ang 793 line items para sa multi-purpose buildings na may uniform budget na aabot sa P1-million bawat isa.
Una nang tinanong ni Lacson ang P28.34-billion increase sa budget ng DPWH para sa susunod na taon sa kabila ng underspending at mga kahina-hinalang mga proyekto ng ahensiya na pagsasayang lamang sa pera ng taumbayan.
Nais lamang umano ng Senador na matiyak na wala kahit na isang sentimo ang mapunta sa mga proyektong hindi naman mapapakinabangan.
Magugunitang noong 2019 ay aabot sa P95-billion ang ivineto ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos paghinalaang bahagi ng pork barrel insertions ng ilang mga kongresista. (Mylene Alfonso)