Advertisers
Naghain ng panibagong petisyon sa Korte Suprema si dating Caloocan Representative Edgar Erice at humihiling ng retraining order upang pigilan na makapag-transact ang Commission on Elections (COMELEC) sa natitirang partners ng MIRU joint ventures para sa 2025 elections.
Iginiit ni Erice sa kanyang ‘Supplement to the Petition’ na bigyang pansin ng Korte Suprema ang pag-withdraw ng isang partners ng MIRU joint venture, ang St.Timothy.
“Kapag nag-withdraw ang isang partners tulad ng St.Timothy, hindi na maaring makipag-transact ang isang kumpanya,” giit ng dating mambabatas.
Ayon pa kay Erice, kung makikipag-transact ang Comelec, illegal na ito.
Hindi rin aniya, totoo ang sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na maari pa silang makipag-transact sa ibang construction company.
Sinabi rin ni Erice na dahil sa pag-atras ng construction company na kabahagi ng joint venture, hindi na sumusunod sa pamantayan ukol sa Net Financial Contracting Capacity (NFCC) ang joint venture.
Duda ang dating mambabatas kung nakasusunod sa patakaran na 40% lamang ang shares ng MIRU ng South Korea sa joint venture at 60% sa mga kumpanyang Pilipino
Dahil ito sa ang bulto ng pondo sa mga kumpanyang Pilipino na kasama sa joint venture mula sa umatras na construction company.
Samantala, nauna nang sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, na tuloy-tuloy pa rin sila sa paghahanda para sa 2025 midterm elections.
Handa rin aniyang sagutin ng Comelec ang ihahain ng mambabatas sa Korte Suprema dahil bahagi aniya ito ng proseso.(Jocelyn Domemden)