Advertisers
Hinamon ng kampo ni Allan Lim ang mga umaakusa sa kanya na maghain ng kaukulang kaso sa proper court upang matugunan nila ang maling akusasyon.
Sinasabinng hindi iisang tao ang pinaghihinalaang drug personality na si Allan Lim at ang negosyanteng si Lin Wei Xiong.
Ayon Rose Nono Lin, maybahay ni Lin, na ang mga alegasyon laban sa kanyang mister batay lamang sa mga hindi pa beripikadong impormasyon na isinama sa report ni dismis Police Colonel Eduardo Acierto noong 2019 kina Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde at Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) Director Heneral Aaron Aquino.
Sa nasabing ulat, sinabi ni Acierte na nadiskubre niya sa pamamagitan ng isang impormante ang koneksyon nina dating Duterte adviser Michael Yang at Allan Lim, na kilala rin bilang Lin Wei Xiong, sa drug trade.
Ayon kay Nono Lin na nakikipagkooperasyon naman sila sa isinasagawang imbestigasyon.
Nanindigan si Nono Lin na isang lehitimong negosyante ang kanyang mister at mali ang inaakusa laban dito.
Idinagdag ni Nono Lin na naging mag-asawa sila sa huling 11 taon at ang alam niyang pangalan nito Lin Wei Xiong at gumagamit din ng pangalang Jeffrey, at wala itong alam tungkol sa isa pa. mga pangalan na iniuugnay sa kanyang mister.
Itinanggi rin ni Nono Lin na nagtatago ang kanyang mister sa Dubai, at sinasabi nitong nagkita sila noong Nov.1 sa Hong Kong kung saan pinangangasiwaan nito ang ilan sa kanilang mga negosyo.
Gumawa rin ng parehong paglilinaw si Nono Lin nang imbitahan ng House Quad Committee sa imbestigasyon nito kung saan tumestigo din si Acierto sa pamamagitan ng zoom.
Sa parehong pagdinig, sinabi ni dating PDEA chief Wilkins Villanueva sa mga mambabatas na si Allan Lim na iniugnay sa iligal na droga, hindi iisang tao. Nang ipinakita ang dalawang larawan, isa sa kanila ang kinumpirma ni Nono Lin bilang kanyang asawa nguni’t hindi ang isa na may bigote.
At kinumpirma rin ni Villanueva, na hindi magkaparehong tao ang iprinisintang larawan.