Advertisers
NAGPAALALA muli ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa publiko na mag-ingat sa mga naglipanang love scams ngayong holiday season.
Pahayag ng DICT, dahil damang-dama na ang papalapit na Pasko, uso nanaman ang love scam na target makabiktima ng mga malalamig ang pasko.
Sa naging pahayag ni DICT Assistant Secretary Aboy Paraiso, sinabi nito na kadalasang nabibiktima ng ganitong modus ay mga single na naghahanap ng kapartner o jowa.
Hinimok din nito ang publiko na maging mapagmatyag para hindi mabiktima ng ganitong modus.
Sakaling mabiktima, ugaliing iulat sa mga otoridad para mabigyan ng aksyon.
Sa kabila nito ay tiwala naman si Paraiso na magiging mapanuri ang mga Pilipino ngayong holiday season para hindi mabiktima ng love scam.