Advertisers
GUMAGAWA na naman ng eksena si Vice President “Inday” Sara Duterte-Carpio.
Oo! Hinihiling ni Inday Sara kay House Good Govt. and Public Accountability chairman Manila 3rd District Representative Joel Chua na payagan siyang samahan sa loob ng kulungan ang kanyang chief of staff na si Atty. Zuleika Lopez, na pinatawan ng limang araw na pagkabilanggo dahil sa mga pagsisinungaling sa House Quad Committee investigation.
Pero paliwanag ni Chua, pinapayagan lang sa pasilidad ang dalaw at ito’y para lang sa bilanggo.
Sa tingin ko naman ay nagdadrama lang si Inday Sara na samahan sa loob ng kulungan hanggang makalaya si Lopez. Peks man! Takot nga siyang dumalo sa mga pagdinig, ang makulong pa. Sus, Inday!!!
Paano ba na-contempt si Lopez? Sinabi kasi niya sa Quad Comm na wala siyang alam kung paano ginastos ng Office of the Vice President ang daan-daang milyong confidential funds ng OVP at ng Department of Education na pinamumunuan din noon ni Inday Sara.
Pero nabuking ang kanyang pagsisinungaling sa mga dokumentong isinumite ng Commission on Audit, kungsaan pirmado niya (Lopez) ang mga sulat niya sa CoA na hinihiling huwag isumite sa Quad Comm ang mga dokumento hinggil sa mga naging gastos ng OVP mula sa confidential funds nito pati ang sa DepEd.
Inamin din niya sa Quad Comm na alam ni VP Sara ang naturang mga sulat. That means alam niya kung paano at kung saan nilustay ang hundred millions confi funds ng OVP at ng DepEd. Tama lang siya makulong. Mismo!
No talk parin naman si Inday Sara tungkol sa nalustay na daan-daang milyong confi funds ng kanyang tanggapan pati sa DepEd.
Hinamon pa siya ni House Speaker Martin Romualdez na dumalo sa mga pagdinig para maipaliwanag sa publiko ang mga isyung ibinabato laban sa kanya.
Sa aking damdamin, talagang matindi ang katiwalian sa OVP at sa DepEd na pinamunuan noon ni Inday Sara kaya hindi niya maipalinawag ang mga ito.
Dapat kasuhan na ng Plunder si VP Sara! Mismo!!!
***
Tama lang si Senador Risa Hontiveros na harangin sa Senado ang panukalang dagdagan ang 2025 budget ng OVP matapos itong tapyasan ng Kamara.
Iginiit ni Sen. Risa na sapat na ang P733.1 milyong budget para sa opisina ni Inday Sara tulad ng naging budget noon ni ex-VP Leni Robredo. Mismo!
Binawasan kasi ng P1.3 bilyon ang budget proposal ng Malakanyang para sa OVP mula sa orihinal na P2.03 bilyon sa Kamara. Kasi nga puros duplication na ng trabaho ng DSWD ang mga naka-appropriate sa budget proposal ni Inday Sara. Wais nga!
Actually, pinagtibay na ng Senado ang version ng House. Pero ang halagang ito ay maaaring tumaas pa sa panahon ng mga pagbabago sa plenaryo. You know!!!
***
32 days nalang Pasko na, mga pare’t mare. Araguy!!!