Advertisers
Arestado ang isang school teacher at limang kasabwat nito nang mabilhan ng P3.4 million na halaga ng shabu ng mga anti-narcotics agents sa isang entrapment operation sa Barangay Rapasun sa Marawi City noong Biyernes, November 22.
Kinilala ang mga naaresto na sina Fatima Pangcoga Oranggaga, guro; Hania Alcantara Delinogun; Esmael Antal Mamarinta; Alfatah Pangcoga Oranggaga; at Juhaifa Pangcoga Oranggaga.
Sa pahayag nitong Sabado ni Gil Cesario Castro, director ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region, nahaharap na sa kaukulang mga kaso ang mga nakakulong na mga suspek.
Sa report, inaresto ng mga operatiba ng PDEA-BARMM at mga kasapi ng police units na sakop ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region ang mga suspek nang magbenta ng kalahating kilo shabu, nagkakahalaga ng P3.4 million, sa isang entrapment operation sa Barangay Rapasun sa Marawi City.
Isang menor-de-edad na kasama ng limang naka-detine ng shabu dealers ang agad na ipinakustodiya ng PDEA-BARMM sa mga kawani ng Marawi City Social Welfare Office at Bangsamoro social services ministry.