Advertisers
Nasawi sa pananambang ang sa Purok Sampaguita sa sentro ng President Quirino sa Sultan Kudarat nitong Sabado, November 23, 2024.
Kinilala ang biktima na si John Nico Allan D. Pandoy, assistant election officer ng Isulan.
Isa sa mga bayan ang Isulan sa Sultan Kudarat, at siyang kabisera ng probinsya.
Sa inisyal na ulat ng President Quirino Municipal Police Station nitong Linggo, mabilis na nakatakas ang mga nag-ambush kay Pandoy gamit ang isang getaway vehicle.
Nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang mga salarin at motibo ng pananambang.