Advertisers
DALAWANG hinihinalang major players ng isang drug distribution network ang naaresto sa isang operasyon sa Muntinlupa City nitong Sabado, kungsaan nasamsam ng mga operatiba ang nasa P54 milyon halaga ng shabu.
Kinilala ang mga naaresto na magkapatid na sina Renzy Louise at Red Lewy Vizcarra.
Sa report, nahuli ang magkapatid sa buy-bust operation sa Barangay Tunasan 5:00 ng hapon.
Katuwang ng PNP sa operasyon ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency, Intelligence Service of Armed Forces of the Philippines, at National Intelligence Coordinating Agency.
Nakuha sa magkapatid ang umano’y 8 kilo ng shabu.
Samantala, napigilan din noong Miyerkoles ng isang inter-agency body sa Ninoy Aquino International Airport ang tangkang paghatid ng shabu sa pamamagitan ng air parcel service.(Gaynor Bonilla/Mark Obleada)