Advertisers

Advertisers

Hepe ng MPD Station 9 sibak sa kapabayaan!

0 313

Advertisers

SINIBAK sa puwesto ang hepe ng Manila Police District (MPD) Station 9 dahil sa kaso ng pagpapabaya sa kanyang tungkulin.
Ang tinanggal sa puwesto ay si Lt. Col Robert Sales ni MPD Director P/Brig. General Leo Francisco.
Ipinalit kay Sales si Lt. Colonel Cristito Acohon, mula sa Station 4 sa Sampaloc at dating deputy chief ng MPD-Intelligence Division.
Nabatid na nagsagawa ng surprised inspection si Francisco noong Sabado sa naturang himpilan kungsaan natuklasan na 15 personnel lamang ang naka-duty.
Sinasabing hindi ma-account ni Sales ang kanyang mga tauhan kaya agad na tinanggal sa puwesto.
Pinagre-report naman ang mga tauhan nito kasama na ang mga inabutan ni Francisco na naka-day off. (Jocelyn Domenden)