Advertisers
KASUNOD ng pag-amin ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na pumunta siya sa Abu Dhabi, inamin din niyang nananatiling wala siya sa Pilipinas.
Sa pulong balitaan nitong Miyerkules, natanong si Roque nasa labas pa rin siya ng Pilipinas o kung nakabalik na siya sa bansa.
Sagot ni Roque, nasa labas siya ng bansa.
Gayonpaman, hindi naman tinukoy ng dating Duterte spokesman kung saang bansa siya naroroon.
Tinanong din ng media ang dating kalihim kung kailan pa siya lumabas sa Pilipinas.
Pero ayon kay Roque, ‘no comment’ na siya sa naturang katanungan.
Sa kasalukuyan ay mayroong Immigration Lookout Bulletin na inilabas laban kay Roque.
Mayroon din itong arrest order na unang inilabas ng Kamara de Representantes kasunod ng ilang beses niyang hindi pagsipot sa pagdinig ng Quad Committee.
Samantala, pinag-aaralan ngayon ng Bureau of Immigration ang mga kasong maaaring isampa laban kay dating Presidential Spox Sec. Harry Roque.
Sa isang pahayag, iginiit ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado na ang paglabas ni Roque sa bansa ay iligal dahil wala ang naging byahe nito sa tala ng kanilang ahensya.
Tinitingnan rin ng ahensya ang posibilidad na gumamit si Roque ng fake immigration clearance dahilan para makapasok ito sa UAE.
Kaugnay nito at maaaring maharap sa kasong Falsification of Public Documents ang dating opisyal.