Advertisers
PABOR ang Bureau of Immigration (BI) sa panukalang pagpapatupad ng COVID-19 passport dahil makakapagpabilis ito sa pagpoproseso sa airport at mapapanumbalik nito ang turismo at travel industry sa bansa.
Sa isang pahayag, inihayag ni BI Commissioner Jaime Morente ang kanyang pagsuporta sa inisyatibong gawing global COVID 19 passport na ayon sa Department of Tourism ay makahikayat ng mas maraming turista at mapapabilis ang sistema ng pagpasok.
Sinabi ni Morente na sa kasalukuyan ay nire-require ang mga dumaraing na mga intenation travelers na magpasuri sa airport ay magiging problema ng Immigration sa hinaharap sa pagbubukas ng mga turista.
“The anticipated influx of more international travelers could result in longer queues and overcrowding in our immigration counters as all of these passengers should be tested at the airport before they are allowed to enter the country,” ayon sa BI Chief.
Dagdag pa nito na sa paggamit ng COVID 19 passport ang isang dayuhang mamanakay ay nabakunahan na at wala na itong virus, kaya mapapabilis at mababawasan ang siksikan sa airport.
Ayon sa International Airt Trasport Association (IATA), layon nito na makagawa ng isang digital system kung saan matutukoy ang siang pasahero na ang isinagawang pagsususri at bakuna ay naayo sa COVID-19 travel regulations. (Jocelyn Domenden)