Advertisers

Advertisers

Pagtatanggal sa Kongreso ng Makabayan bloc posibleng ikagalit lalo ng publiko

0 310

Advertisers

POSIBLENG lalala ang galit ng publiko sa gobyerno sa oras na tanggalin sa Kongreso ang Makabayan Bloc.
Inihayag ito ni ACT Teachers partylist Rep. France Castro matapos sabihin ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na ang presensya raw ng Makabayan bloc sa Kamara ay lalo lamang nagpapatatag sa kakayahan ng mga rebelde sa bansa.
Sinabi pa ni Castro, kung idi-disqualify ang mga mambabatas mula sa Makabayan sa susunod na eleksyon ay magpapakita lamang ito na tila minamaliit ng administrasyong Duterte ang iba’t ibang panawagan tulad ng pagtataas sa sahod ng mga guro, dagdag benepisyo ng mga manggagawa at proteksyon laban sa anti-people policies ng gobyerno.
Hindi aniya ang pagpapatanggal sa Makabayan bloc ang magpapahina o magpapatalo sa CPP-NPA kung ‘yun ang gusto nilang mangyari. Mas marami lang daw mamamayan ang magagalit at lalaban sa administrasyong prayoridad ang atakihin ang mga lehitimong panawagan ng mamamayan sa gitna ng pandemiya at matinding krisis pang-ekonomiya.
Aminado si Lorenzana, na miyembro rin ng National Task Force To End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na isa sa mga hakbang upang tanggalin sa Kongreso ang Makabayan bloc ay huwag itong isama sa mga hanay ng mga partylist na tatakbo.
Kung ibabase raw kasi ang history ng mga ito ay wala naman daw silang ibang ginawa kundi batikusin ang gobyerno, ayon kay Lorenzana.
Nanindigan naman si Castro na walang basehan ang pamahalaan na sabihing ang miyembro ng Makabayan bloc ay konektado sa CPP-NPA. (Josephine Patricio)