Advertisers
Nagsagawa ng pandinig sa deportation case ni Tony Yang, Yang Jianxin @ Lim Antonio Maestrado sa Bureau of Immigration (BI) nitong Biyernes, Dec. 6, 2024.
Hindi sumipot si Tony Yang sa naturang pagdinig sa halip tanging ang abogado nitong si Atty. Raymond Fortun lamang ang dumating para ipaalam na may sakit si Yang at naka-confine sa ospital.
Nahaharap si Yang sa misrepresentation case sa BI dahil sa pagiging undesirable alien at pagpapanggap umanong Pilipino.
Ayon kay Atty Gilbert Repizo, chairman ng Board of Special Inquiry, binigyan nila ng 15 araw ang kampo ni Yang para magsumite ng mosyon.
Pagkatapos nito, gagawa na aniya sila ng resolusyon na isusumite naman sa Board of Commissioners ng BI.
Kapatid si Yang o Yang Jianxin ni dating presidential economic adviser Michael Yang na una ng naaresto ng pinagsanib na pwersa ng fugitive search unit ng BI at Presidential Anti-Organized Crime Commission.
Iniuugnay din si Yang sa illegal POGO operation sa bansa.
Ayon kay Repizo, sakaling madesisyunan ang deportation kay Yang papanagutan muna nya ang mga kaso sa bansa bago ito ipa-deport.(Ronald Bula)