Advertisers
ARESTADO ang tatlong (3) Station Level Most Wanted Person sa bisa ng Warrants of Arrest matapos madakip ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkakahiwalay na operation ng pulisya.
Inihayag ni QCPD Acting Director PCOL Melecio M Buslig, Jr., ang pag-aresto sa mga suspek sa matagumpay na operation na isinagawa.
Sinabi ng QCPD ang District Anti-Carnapping Unit (DACU) sa ilalim ni PLTCOL Hector Ortencio kasama ng Project 4 Police Station ay inaaresto ang suspek na si Alfred Laguna, 25 taong gulang, na nakalista bilang No. 1 MWP ng PS 8, at residente ng Bagbag, Novaliches, QC dakong 6:00 ng umaga noong December 29, 2024 sa Anilao Proper, Batangas na may nakabinbing Warrant of Arrest for Statutory Rape na inisyu ng Branch 89, Regional Trial Court (RTC), Quezon City.
Kaugnay nito dakong 12:30 ng umaga noong Disyembre 28, 2024 sa kahabaan ng G. Araneta Avenue, Aurora Blvd., Brgy. Doña Imelda, QC, naaresto ng Galas Police Station (PS 11) sa ilalim ni PLTCOL Joseph DM Dela Cruz si James Tamayo, 49 taong gulang, residente ng Brgy. Doña Imelda, Quezon City at nakalista bilang No. 9 MWP ng lungsod. Mayroon siyang nakabinbing Warrant of Arrest for Robbery with Serious Physical Injuries na inisyu ng Branch 75, RTC, Third Judicial Region, Olongapo City.
Nabatid na nadakip din ng Holy Spirit Police Station (PS 14) sa ilalim ni PLTCOL Rey C Tad-o ang kanilang No.3 MWP na kinilalang si Mark Joseph Aculina, 26 taong gulang, residente ng Brgy. 176, Caloocan City. Si Aculina ay naaresto noong 4:00 ng hapon nitong Disyembre 29, 2024 sa kanyang tirahan para sa dalawang bilang ng paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs na inisyu ng Branch 127, RTC, Caloocan City at Branch 309, RTC, Quezon City.
Sinabi ng QCPD na aabisuhan ang kani-kanilang korte ng pinagmulan ng mga Warrant tungkol sa pag-aresto sa mga akusado.(Boy Celario)