Advertisers
PINAGBABARIL hanggang sa mamatay habang na-tutulog ang 55-anyos na lalaki na suspek sa pamamaslang sa kapitbahay, may 10 taon na ang nakalilipas, habang idinamay din ng mga salarin ang lola nito sa Barangay Calantipayan sa Lopez Jaena, Quezon.
Ang mga biktima, na kapwa nagtamo ng mga tama ng bala ng hindi na batid na ka-libre ng baril sa kanilang mga ulo at iba’t bang parte ng katawan, ay kinilalang sina Armando Lapuz, at Nelia Leona, 71.
Tinutugis na ang tatlong salarin na ang isa ay nakilala sa alyas “Danny Boy”.
Ayon kay Lt. Dandy Aguilar, chief of police sa bayang ito, 12:00 ng gabi habang mahimbing na natutulog sa magkahiwalay na kuwarto ang mga biktima nang pasukin ng mga salarin at pinagbabarik. Narinig ng kanilang mga kapitbahay ang mga putok.
Nadiskubre ang mga du-guan at wala nang buhay na katawan ng mga biktima 7:20 ng umaga.
Lumalabas sa pagsisiyasat na paghihiganti ang posibleng motibo sa pamamaslang, at idinamay na rin ang matanda dahil sa sobrang galit ng mga salarin.
Ayon sa pulisya, si Armando ang salarin sa pamamaslang noong 2014 sa ama ni Danny Boy.
Nahaharap ang mga salarin sa kasong double murder.