Advertisers
KALABOSO ang 18 indibidwal dahil sa pagnanakaw ng 50,000 litro ng diesel na nagkakahalaga ng mahigit P2 milyon sa Barangay San Antonio, Guagua, Pampanga, Biyernes ng gabi.
Sa ulat kay Brigadier General Redrico A. Maranan, Regional Director ng Police Regional Office (PRO 3), 11:30 ng gabi ng Disyembre 27, personal na nagtungo sa Guagua Municipal Police Station si Hero Lacap, area manager ng ENP Fuel Trading, upang ipagbigay-alam na ang tanker ng kanilang kumpanya na minamaneho ni alias Romasasa ay natagpuang inabandona at walang laman sa kahabaan ng JASA Road, Brgy. San Antonio, Guagua.
Batay sa isinagawang follow-up investigation, gamit ang mga CCTV footage, natunton sa isang bakanteng loteng binakuran ng bakal ang trak na may plakang NDD 6453 na nakaparada sa loob.
Nadiskubre sa pagsisiyasat ng mga otoridad na ang na-sabing trak ay ginagamit sa iligal na pagsasalin ng diesel o ang tinatawag na “patulo”.
Agad na inaresto ang mga suspek sa nasabing lugar na kinilalang sina alias Onin, Rey, Bagang, Lito, Son, Jovi, Nan, Nold, Tantan, Ryan, Vin, Jo, Jr, Mer, Zaldy, Meng, Yan at Tonio.
Samantala, limang tanker truck na may kargang diesel na hindi pa matukoy ang dami at isang multicab na may kargang 24 lalagyan ng gasolina ang nakumpiska rin.