Advertisers
APRUBADO na ng House of Representatives ang panukala na magpapatupad ng tax sa online betting ng mga locally licensed na sabungan at derbies.
Sa botong 215-1, lusot na sa mga mambabatas ang House Bill No. 8065 na mag-aamyenda sa section 125 ng National Internal Revenue Code of 1997.
Sa isang pahayag, sinabi ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda na hindi kinukuhanan ng tax ang mga industriya na hindi nagdudulot ng economic harm.
Sa ilalim din ng naturang panukala, aabot ng 5 percent ng gross revenues ang tax na ipapatupad mula sa offsite betting activities ng mga locally licensed games.
Mananatili naman ang full regulatory at revenue collecting powers ng local government units (LGUs).
Inaasahan na dahil dito ay tataas ng hanggang P1.25 billion ang makokolektang tax mula sa mga online sabungan sa unang taon nang pagpapatupad nito. (Henry Padilla)