Advertisers
UMAAPELA ang mga bus operators sa pamahalaan na i-waive ang sinisingil sa kanilang mga fees ngayong nakatakda nang bumalik sa kanilang operasyon ang mga bus na may point-to-point routes.
Ayon sa Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP), malaking tulong sa pagbangon ng mga bus companies kung ililibre na ng LTFRB ang kanilang supervision fee, at ang insurance premium at registration fees ng mga bus na hindi pinayagang makapag-operate.
Pahayag ni PBOAP executive director Alex Yague na aabot ng P50 billion hanggang P100 billion ang utang ng mga bus companies sa mga bangko at financing firms bunsod ng COVID-19 pandemic.
Sa ngayon, hinihintay pa mga operators na ilabas ng LTFRB ang memorandum circular nito na magsasabi kung aling ruta ng mga provincial buses ang muli nang bubuksan.
Bilang pagsunod sa umiiral na minimum health protocols, sinabi ni Yague na sasailalim sa rapid tests ang mga drivers ng mga bus. (Josephine Patricio)