Advertisers

Advertisers

IRR NG MAGNA CARTA OF SEAFARERS PIRMADO NA

0 15

Advertisers

SINAKSIHAN mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglagda sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 12021 o ang Magna Carta of Filipino Seafarers na ginanap sa Malakanyang.

Ito’y matapos maisapinal ng Department of Migrant Workers (DMW) at Maritime Industry Authority (MARINA) ang IRR alinsunod na rin sa itinakdang 90-araw na panahon sa ilalim ng Section 97 ng nasabing batas.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni PBBM na sa ilalim ng batas at IRR ay itatatag ang One-Stop Shop para sa Seafarers, na magpapasimple ng mga proseso.



Ang Magna Carta of Filipino Seafarers ay isa sa mga pangunahing panukalang batas na isinulong ng administrasyong Marcos kung saan layunin nitong tiyakin ang karapatan, kapakanan, at dignidad ng mga Pilipinong marino na kinikilala bilang mahalagang bahagi ng global shipping industry.

Inilalahad sa IRR ang mas detalyadong gabay para sa implementasyon ng batas, kabilang dito ang mga probisyon sa employment standards, social protection, kalusugan, kaligtasan, skills training, at suporta sa pamilya.

Layunin din nitong mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga marino at kanilang pamilya habang pinatitibay ang mga mekanismo laban sa pang-aabuso, nagbibigay ng legal na proteksyon, at pinapalakas ang regulasyon para sa maritime sector.

Bukod kay PBBM, dumalo rin sa aktibidad sina DMW Secretary Hans Leo Cacdac, MARINA Administrator Sonia Malaluan, at iba pang mga opisyal ng gobyerno. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">