Advertisers
NAHAHARAP sa patung-patong na problema si Vice President Sara Duterte matapos itong alisin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang miyembro ng National Security Council kamakailan.
Habang maaari namang maharap pa ito sa ikaapat na panibagong impeachment complaint sa Kongreso.
Sinabi ni House Secretary General Reginald Velasco, ilang miyembro na ng mayorya sa kongreso ang nagpahiwatig na maghahain ng ikaapat na impeachment complaint laban sa Bise-Presidente.
Ayon kay Velasco, ang gusto ng ilang mambabatas ay umusad na ang mga nakahaing impeachment complaint ngunit mismong si Pangulong Marcos ang tutol dito.
Hindi naman pinangalanan ni Velasco ang mga nasabing mambabatas na planong maghain ng isa pang impeachment complaint laban kay VP Sara.
Nag-ugat ang mga reklamo laban sa Pangalawang Pangulo dahil sa hindi nito maipaliwanag kung saan ginastos ang P125 million na confidential funds noong 2023.