Advertisers

Advertisers

P-Duterte pinasalamatan ni Sen. Go sa pagsertipikang urgent bill ng Department of Overseas Filipino Workers

0 253

Advertisers

LABIS ang pasasalamat ni Senador Christopher “Bong” Go kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-certify nitong urgent sa kanyang panukalang pagtatatag ng Department of Overseas Filipino Workers.

Sinabi ni Go na bilang principal author ng Senate Bill 1949 na matitiyak ng panukalang bagong departamento ang efficient at mas responsive na serbisyo sa milyon-milyong OFW at ng kanilang pamilya.

Una nang sinabi ni Go na bilang mga itinuturing na modern day heroes, hindi mababayaran ang sakripisyong ginagawa ng mga ito na malaking tulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa.



Binigyang-diin ni Go na nararapat lang na bigyan ng importansya ang sakripisyo ng mga ito kaya mahalagang mabigyan sila ng cabinet-level Secretary na titimon sa lahat ng serbisyo at pangangailangan ng mga OFW.

Nanindigan si Go na ang pagbuo ng bagong departament na tututok sa mga OFW ay hindi pag-bloat sa bureaucracy at sa halip ay magtitiyak sa functions, magpapabuti sa koordinasyon at maging mas responsive sa mga pangangailangan ng mga kababayan sa ibang bansa.

Kaugnay nito, umapela si Go sa mga kapwa Senador na suportahan ang panukala bagamat batid niya na maraming dapat asikasuhin dahil sa COVID-19 pandemic.

Dagdag ni Go na sana ay hindi hayaan ng mga mambabayas na kung saan-saan hihingi ng tulong ang mga distressed OFW. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">