Advertisers
I am text block. Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.
PINAGSASAKSAK hanggang sa mamatay ang 72-anyos na biyuda sa mainitang pagtatalo dahil sa P13,000 utang sa Barangay Panacol, Aguilar, Pangasinan, Miyerkules ng gabi, Enero 15.
Kinilala ang biktima na si Lydia Melendez Soriano.
Sa ulat ng pulisya, isang saksi ang nakarinig ng pagtatalo nina Soriano at ng salarin na kinilalang si Ron-Ron Almonte Veloria, hinggil sa utang ng huli.
Pagbalik ng saksi sa bahay, nakita niya si Soriano na duguan at nakahandusay sa sahig, habang tumakas naman ang salarin sakay ng tricycle.
Nagtamo ng maraming saksak si Soriano, idineklarang patay sa ospital.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang kitchen knife na ginamit sa pag-atake.