Advertisers

Advertisers

TRICYCLE NAHULOG SA PATUBIG: 6 PATAY, 5 NASAGIP

0 34

Advertisers

NASAWI ang anim katao at lima ang nasagip nang mahulog ang tricycle sa halos pitong metro na lalim ng patubig ng National Irrigation Administration (NIA) sa Sitio dela Rosa, Barangay Baloc, Sto.Domingo, Nueva Ecija.

Pauwi na sa kanilang bahay ang mga biktima mula sa isang eskwelahan nang magkaroon ng abirya ang side car ng motorsiklo, kungsaan nawalan ng kontrol ang driver kaya’t dumiretso ang sasakyan sa irrigation canal 5:00 ng hapon ng Huwebes, Enero 16, 2025.

Sa inisyal na report ni Police Major Melchot T. Pereja na ipinadala kay PRO3 Director Brig. General Jean S. Fajardo, kinilala ang mga nasawi na sina Angelica Cinense, 34 anyos, driver ng tricyle; at dalawang anak niyang sina Rengie, 8; Rhian 7, ng Brgy. Mayantoc; kamag-aral na si Queen Joy Arciaga, 7; habang nasawi rin sa pagkalunod ang dalawang rescuers na sina Fernando Maducduc, 59; at Joel Teinidad, 49, ng nabangit na barangay.



Nasagip naman ng mga tauhan ng BFP at MDRRMO sina Quieenie Arciaga U Tababa, 10; Jeanne Cinense Y Rodolpa, 7; Jazzy Cinense, 9; King Jay Arciaga Talaboc, 10, mga residente ng Sitio Butef, Brgy, Malayantoc sa nabangit na bayan. (Thony D. Arcenal)