Advertisers
ARESTADO ang apat katao sa isinagawang operayon ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police (PNP) sa Barangay Dapdap, Mabalacat City, Pampanga, Linggo ng gabi, Enero 19, 2025.
Sa report na tinanggap ni PRO 3 Director, Brigadier General Jean Fajardo, ang mga naaresto ay sina alyas “Batik”, 42 anyos; alyas Gerald, 31; alyas Utoy, 28; at alyas Rachelle, 32, pawang residente sa nabangit na lugar.
Base sa paunang imbestigasyon, 10:00 ng gabi nang masukol ang mga suspek sa sinasabing drug den, na natukoy sa tulong ng mga concerned citizen.
Nakuha mula sa mga suspek ang 12 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P81,600.00 kabilang ang assorted drug paraphernalias at buy-bust money.
Detenido ngayon ang mga suspek sa Mabalacat City Jail sa kasong paglabag sa R A 9165 na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Thony D. Arcenal)