Advertisers

Advertisers

Golf caddies sa Pasay inayudahan ni Bong Go

0 248

Advertisers

Dahil patuloy na nakaaapekto sa kabuhayan ng marami ang coronavirus disease (COVID-19) outbreak, lalo sa mga mahihirap at vulnerable, personal na binisita at binnigyan ng ayuda ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga golf caddies sa Pasay City.

“Naintindihan ko po na hirap ang hanapbuhay ninyo na maraming bawal, may social distancing at sa daming protocols na dapat natin sundin,” ani Go.

Ang golf caddies ay umaasa lamang sa kita sa pamamagitan ng pag-asiste sa mga golfers sa golf clubs.



Dahil sa quarantine at ipinatutupad na health protocols simula noong Marso sanhi ng COVID-19 outbreak ay kabilang sa nawalan ng kita o hanapbuhay ang caddies.

Kaya naman namahagi si Sen. Go at ang kanyang grupo ng meals, food packs, masks, face shields at vitamins sa tinatayang 550 golf caddies sa distribution activity na isinagawa sa Clubhouse Veranda sa Villamor Club House.

Tiniyak ng senator na nasusunod ang health at safety protocols sa pamamahagi ng ayuda upang hindi kumalat ang coronavirus disease.

“Lahat po kayo ay makakatanggap ng grocery at may dala rin po akong vitamins. Inumin niyo po ito, pampalakas po ito ng resistensya ninyo. Kapag malakas po ang katawan ninyo, mas malakas po na lalaban po ang katawan ninyo sa COVID-19,” ani Go.

Nagbigay rin si Go ng mga bisikleta at tablets sa mga piling caddies.



“’Wag kayong mag-alala, kapag safe na po at na-declare na po ng FDA, uunahin po namin ni Pangulong Duterte ang lahat po ng mahihirap. Uunahin po namin kayo para makabalik na tayo sa normal natin na pamumuhay,” ang paniniguro ng senador sa mga caddies.

Nag-alok din ang senador na tutulungan ang mga nagnanais na umuwi sa kanilang probinsiya.

“Sino ang gustong umuwi ng probinsya? Mayroon tayong programang Balik-Probinsya, Bagong Pag-asa. Kung gusto niyo lang po na bumalik ng probinsya, tutulungan kayo ng gobyerno na makapagsimula muli.”

“Bibigyan kayo ng livelihood, pamasahe at bagong buhay sa probinsya. Kung sino lang po ang gustong bumalik. Wala pong pilitan ito. Kung nahirapan na po kayo dito sa Manila, pwede namin kayong tulungan,“ anang senador. (PFT Team)