Advertisers

Advertisers

Pagpapatayo ng bagong gov’t center sinimulan na sa Caloocan

0 10

Advertisers

Opisyal na sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang pagtatayo ng bagong government center sa isang groundbreaking ceremony na pinangunahan ni City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan noong Lunes, Enero 20 sa Barangay 101.

Ang walong palapag na gusali ay magkakaroon ng mga nakalaang espasyo para sa parehong pambansa at lokal na ahensya ng pamahalaan, kabilang ang mga satellite office ng National Bureau of Investigation (NBI) at Commission on Elections (COMELEC), na may layuning gawing mas mahusay ang mga proseso ng gobyerno at accessible para sa mga residente ng lungsod.

Ipinahayag ni Mayor Along ang kanyang pananabik sa proyekto at pinagtibay ang pangako ng pamahalaang lungsod sa pagbibigay prayoridad sa imprastraktura na lubos na magpapahusay sa kalidad ng mga serbisyong natatanggap ng publiko.



“Isa sa mga malalaking proyekto ng aking administrasyon na malapit sa aking puso ay itong government center. Sa pagtutulungan nating lahat, sa oras na maitayo natin ito, wala nang Batang Kankaloo ang magpapalipat-lipat ng mga gusali para makipagtransaksyon sa mga ahensya ng pamahalaan,” wika ni Mayor Along.

Binigyang-diin din ng lokal na punong ehekutibo ang patuloy na pagtatayo ng iba pang malalaking proyekto sa imprastraktura ng kanyang administrasyon at tiniyak sa kanyang mga nasasakupan na sa ilalim ng kanyang pamumuno, patuloy na pahalagahan ng pamahalaang lungsod ang kanilang tiwala sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programa at proyektong kapaki-pakinabang sa lahat.

“Kaliwa’t kanina po ang pagpapaunlad natin sa ating lungsod sa pamamagitan ng mga programa at proyektong mapapakinabangan ng bawat isa. Nariyan ang bagong Hall of Justice, kasama pa ang mga gusaling ipinapatayo natin sa Caloocan City – North kagaya ng columbarium at crematorium, bagong city hall, PUP Caloocan, UCC College of Medicine and Health Sciences, at maging mga proyektong pabahay,” pahayag ni Mayor Along.

“Hindi po tayo magsasawang ipakita na natutumbasan ng aksyon at malasakit at nailalaan sa tamang mga proyekto ang bawat kusing na ipinagkakatiwala ninyo sa pamahalaang lungsod,” he declared.(BR)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">