Advertisers
ARESTADO ang mag-ina nang makuhanan ng 25 kilos ng shabu sa Pier 4 sa Cebu City nitong Huwebes ng umaga, January 23, 2025.
Ang nasamsam na iligal na droga ay nagkakahalaga ng P170 million, ayon sa mga awtoridad.
Ang mag-ina ay residente ng Barangay Ermita, Cebu City.
Sinabi ng isa sa mga naaresto na inutusan lamang sila para dalhin ang sasakyan sa Cebu City mula sa Masbate, hindi anila alam na ito’y may kargang iligal na droga.
Sinabi rin niyang hindi niya kilala ang tao na nag-utos sa kanila na dalhin ang sasakyan.
Pero pagdating ng sasakyan sa pier, umiwas ang mag-ina sa inspeksyon na isinasagawa noon ng mga miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG), na gumagamit ng K9 Unit. Ang pag-iwas na ito ng mag-ina ay dahilan para patigilin sila at inspeksyunin ang loob ng kanilang sasakyan kungsaan nadiskubre ang 25 kilos ng shabu. (Mark Obleada)