Advertisers
TUMAAS pa ang bilang ng mga kaso ng Covid-19 at inaasahang posibleng lalo pang sumirit ito habang papalapit ang Kapaskuhan matapos na makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,122 na karagdagang kaso nitong Biyernes, Disyembre 18.
Samantala ay mayroon namang naitalang 778 na gumaling at 25 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.9% (27,021) ang aktibong kaso, 92.1% (420,666) na ang gumaling, at 1.94% (8,875) ang namatay.
Ang Quezon City pa rin ang may pinakamaraming naitalang kaso ng sakit ngayong araw na 160.
105 naman sa Rizal, 91 sa Bulacan, 83 sa Makati City at 78 sa Davao City.
Kaugnay nito, mahigpit na nagpapaalala ang DOH sa publiko na lubos na pag-iingat ang kailangan ngayong pagdiriwang ng Kapaskuhan.
Iwas sa talsik-laway at sumunod sa ipinatutupad na health protocol ng pamahalaan. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)