Advertisers
SUGATAN ang isang barangay kapitan nang pagbabarilin sa probinsya ng Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Norodin Manalasal, barangay chairman ng Barangay Malingao, Midsayap, North Cotabato.
Ayon sa ulat, lulan ng kanyang minamanehong multi-cab ang biktima at binabaybay ang Quezon Avenue, Barangay Poblacion 5, Midsayap nang dikitan ito ng riding in tandem at pinagbabaril.
Mabilis na tumakas ang mga salarin pabalik ng town proper.
Agad dinala ang biktima sa pagamutan at nasa maselang kondisyon.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Midsayap PNP sa pamamaril sa kapitan.