Advertisers
Sa kabila ng pinag-lalabang adbokasya ng Ilan mga lider na pinangungunahan ni Senator Pia Cayetano kontra sa sigarilyo,vape at iba pang tobacco product, nananaig pa rin ang kapangyarihan ng Ilan malaking negosyante na NASA likod ng tobacco SMUGGLING sa BANSA.
Dominante umano ng mga ito Ang kalakaran hinggil sa sigarilyo at iba pang vape product na tila legal na pinapa-hintulutan ng gobyerno.
Ganon na lang Ang pagkadismaya ng mga legal tobacco trader sa kadahilanang sila ay legal na nagbabayad ng kanilang buwis samantalang Ang mga smuggler na ito anila ay walang binabayaran bagkus ay mas malaki pa Ang kini-kita.
Ang mga ito na Rin umano Ang nagdidikta at nagdadala ng martsa sa pagpasok ng illegal ng mga tobacco product sa BANSA na tila walang had lang at anumang balakid.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means sa usaping Sin Tax Law, dumadaing Ang mga legal tobacco trader hinggil sa kanilang kalagayan.
Legal nga naman Silang nagbabayad ng mas malaking buwis sa ilalim ng sin tax law ngunit bakit anila mas iba Ang trato sa kanila.
Masyado anilang unfair ang Labanan dahil bakit nakukunsinti ito gayong imposibleng hindi nila kilala ang mga ito. Nababenta ng mga ito ang kanilang kalakal na mas mura ngunit sobrang laki ang tinutubo.
Ang tanging hiling lang nila sa gobyerno ay muling repasuhin ang sin tax law at alamin kung ano ang “optimal law rate” para sa sigarilyo.
Kumbaga ay Meron din namang pagpasok na revenue sa gobyerno and at the same time ay may discouragement sa mga naninigarilyo dahil maaaring mahal na iyong masyado at mahirap pang bilhin “unattended consequences” daw.
Ito Ang mabigat na tinututulan ni Senator Pia na nagtatanong kung kanino daw Ang mga consequences na ito? Eh kanino pa ba kundi sa mga kumpanyang kumikita sa bisyong kumikitil sa mahigit 112,000 buhay kada taon.
Talagamg pumupusta Ang mga ito laban sa kalusugan at pagkamatay ng libo-libong mga tao dahil sa kanilang negosyo.
Sinabi Rin ni Philippine Tobacco Institute President Jericho Nograles na obligadong Labanan Ang mga illicit trader na nagbabanta sa kabuhayan, kalusugan, puhunan at buwis sa gobyerno.
Pero sa totoo lang ay parang puro dada lang Ang nangyayari dahil Lalo yatang namamayagpag Ang mga smuggler na tila dominante Ang kalakaran.
Susmaryosep,sayang naman Ang eskrimahan ng laway at Oras na ginugol ng kung sino-sinong tao na inbalido Rin Pala at Wala ring magagawa.
Bukod-tanging so Senator Pia na lang yata Ang nagtutuloy ng adbokasya laban sa illegal tobacco i ndustry na walang pakialam sa ginagawang abala nito sa lipunan.
Mukhang nagtetengang-kawali na lang yata Ang iBang mga lider at nagmamaskara na lang upang di mabuko at makilala, MAGKANO?
Obvious naman daw Ang galaw ng mga negosyanteng ito na NASA likod ng industriya dahil sa mas binibigyan nila ng priyoridad Ang kanilang kikitain kaysa sa kalusugan ng publiko.
Sana naman ay huwag mahikayat sa maruming laro ng mga smuggler Ang iba pang mga senador.