Advertisers
KUMPIYANSA ang Philippine National Police (PNP) na hindi pa nakakalabas ng bansa ang pugante at dating Bureau of Corrections chief Gerald Bantag.
Sinabi ni PNP spokesperson Brigadier General Jean Fajardo na walang indikasyon at anumang record na nagpapakitang nakaalis na ng bansa si Bantag.
Patuloy din ang ginagawa nilang pag-validate sa impormasyon mula sa kanilang trackers team ukol sa kinaroroonan ni Bantag.
Una nang sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na malapit na nilang matukoy ang kina-roroonan ni Bantag.
Mahigpit ang ginagawa nilang koordinasyon sa mga iba’t-ibang ahensya para tuluyang maaresto si Bantag.
Matatandaang hindi na nagpakita sa publiko si Bantag matapos na ituro siyang nasa likod ng pagpaslang kay Percival Mabasa o kilala bilang si Percy Lapid matapos na batikusin siya sa programa nito.