Advertisers

Advertisers

Piyansa ng 6 akusado sa ‘missing sabungero’ kinansela

0 12

Advertisers

Kinansela ng Court of Appeals ang piyansa ng anim na akusado sa pagdukot at serious illegal detention ng mga “missing sabungero” mula sa Manila Arena noong Enero 2022.

Pinagbigyan ng Third Division ang petition for certiorari ng prosekusyon at napatunayang nakagawa ang Manila RTC Branch 40 presiding judge ng grave abuse of discretion sa pagpapahintulot sa petition for bail ng mga akusado.

Ang mga akusado ang anim na security personnel ng Manila Arena.



Pinayagan silang pansamantalang makalaya noong Disyembre 2023 matapos magbigay ng piyansang P3 milyon bawat isa.

Hiniling na ng National Prosecution Service sa korte ang muling pagdakip sa kanila.