Advertisers

Advertisers

‘TONDO SUPER HEALTH CENTER’, BINUKSAN NA NINA ISKO AT HONEY

0 271

Advertisers

ANG planong pagtatayo ng mga ‘super health centers’ sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod ng Maynila nina Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna bago pa man sila maupo sa puwesto noong isang taon ay nabigyan na ng katuparan makaraang pormal na buksan at pasinayaan ang Tondo Foreshore Super Health Center & Lying-In Clinic sa Tondo.

Sina Moreno at Lacuna ay sinamahan ni Manila Health Department chief Dr. Arnold Pangan sa nasabing pagbubukas ng kaunahang ‘super health center’ kung saan hinikayat ng mga punong opisyal ng lungsod ang mga residente na samantalahin ang libreng healthcare services na ibinibigay nito.

Sa kanyang talumpati ay pinasalamatan ni Moreno ang SM Foundation, at sinabing hindi gumasta ng kahit isang sentimo ang pamahalaang lokal para sa proyekto. Binigay din ng alkalde ang kredito sa pagtatayo ng ‘super health center’ kay Pangan na siyang nakaisip ng proyekto.



“Tutulong na rin lang kayo, ibigay na natin ‘yung the best,” ayon sa alkalde na nagpahayag ng kagalakan sa mga private partners ng lungsod na nag-alok ng tulong at sumunod sa itinakda niyang minimum standards.

Hindi lamang malaki ang Tondo super health center, ito ay episyente rin at nagtataglay ng sapat na mga kagamitan para sa mabilisang tugon sa mga nagdadalang tao.

Samantala, ayon kay Lacuna, ang nasabing center na kanilang binuksan ni Moreno ay may specialty clinics para sa family planning, women’s wellness, adolescent counselling, animal bite at laboratory. Mayroon din itong play area at pharmacy na pawang libre lahat

“This center will be handling minimal cases or medical needs wherein the patients will be experiencing the kind of services similar to those being offered in private health clinics or hospitals,” pagtitiyak ni Moreno na nagsabing siya rin ay nakinabang sa mga health centers noong kanyang kabataan bilang iskwater.

Ayon pa kay Moreno, ay batid niya ang kahalagahan ng mga health centers lalo na sa mahihirao na hindi kayang bumili ng mga pangangailangang medikal o makakuha ng pangunahing serbisyo medikal.



“Íbalik natin ang dignidad sa health centers… dapat sa health center pa lang ‘solved’ ka na, ‘ýung basic needs mo kaya nang tugunan bago ka dalhin sa ospital kung kailangan,’ Moreno said. (ANDI GARCIA)