Advertisers
NAHAHARAP sa mga patong patong na kaso ang isang nominee ng Partylist nang manlaban at ikinasugat ng isang pulis nang tangkain nito tumakas sa mga naghahain ng warrant of arrest sa Cainta, Rizal nitong Linggo.
Nasa kustodiya ng Marikina custodial facilities habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa naaresto na si Lejun Dela Cruz, nominee ng Magsasaka Partlylist.
Inaresto si Dela Cruz sa bisa ng warrant of arrest sa kasong 2 counts ng murder na ipinalabas ng Las Piñas City Regional Trial Court noong April 27, 2028.
Ayon kay Police Brigadier General Jean Fajardo, PNP Spokesman at Central Luzon Regional Director, maghahain ng warrant of arrest sa kasong 2 counts murder ang mga otoridad laban sa suspek nang tumakbo ito, bumunot ng baril at sumakay sa kanyang sasakyan kaya’t hinabol ito ng mga operatiba.
Sa pagtakas ng suspek, binangga nito ang motorsiklo ng isang pulis na humahabol dahilan upang mabalian ito at 4 sasakyan hanggang makorner ito sa Brgy. Manggahan, Pasig City. Nakuha sa suspek ang isang kalibre .45.
Sinabi ni Fajardo na dinala sa ospital ang sugatang pulis na naka-confine nang magtamo ng fracture sa pelvic.
Nanindigan si Fajardo na lehitimo ang isinagawang ope-rasyon at itinanggi nito ang akusasyon ng grupong Partylist na dinukot at tinangka i-assasinate ang suspek.
“Wala pong katotohanan na assassination attempt against the life ni Mr. Dela Cruz. On the contrary siya pa po ang namutok at siya pa ang nanagasa at ang pulis natin na sinagasaan na naka-confine,” pahayag ni Fajardo.
Isinaad ni Fajardo na bukod sa warrant of arrest, patong patong na kaso ang isasampa laban sa suspek kabilang ang paglabag sa gun ban, illegal possession of firearms, malicious mischief, at frustrated homicide.(Mark Obleada)