Advertisers

Advertisers

ILO nanawagan na irespeto ang karapatan ng mga seafarer sa ilalim ng MLC

0 460

Advertisers

KINALAMPAG ng International Maritime Labors Organizations (ILO) ang mga gobyerno sa iba’t-ibang panig ng mundo dahil bigo umano ang mga ito na ipatupad at proteksyunan ang karapatan ng mga seafarers na nakasaad sa ilalim ng Maritime Labour Convention o (MLC) sa gitna ng pagkalat ng corona virus pandemic.
Mula sa dalawampung eminent jurists inilabas nila ang kanilang mga natuklasan at ito ay kauna-unahang bagay para ipanawagan sa mga miyembro ng United Nations na kumilos para sa kalagayan ngayon ng mga seafarers na lubosang naapektohan ng mga travel restrictions dahil sa nasabing pandemya.
Dagdag pa ng ILO na dapat sundin at igalang ang mga nakapaloob na probisyon sa ilalim ng MLC, tulad ng medical care and repatrations ng mga marino.
Dapat din umanong kilalanin bilang “key workers” ang mga seafarers base narin sa naging pahayag ng UN General Assembly, ILO Governing Body at ng International Maritime Organization. Ipinunto din nila na dapat magkaroon parin ng access sa mga sumusunod tulad ng medical treatment sa shore-based, embarkation and disembarkation at shore leave ang mga marino at panawagan din nila ang walang hadlang na pagsunod sa mga probisyon na ito sa ilalim ng MLC.
Sanib puwersa rin ang International Chamber of Shipping (ICS) at International Transport Worker’s Federation (ITF), sa pagsulong ng mensahe para sa mga bansa.
Ayon naman sa joint statements nina ITF General Secretary Stephen Cotton at ICS Secretary General Guy Platten na malinaw umano sa international laws na dapat sumunod ang lahat at kilalanin ang mga seafarers bilang mahalagang mga manggagawa. “We welcome the intervention from ILO Committee of Experts in spelling out how the governments have failed in their obligations.”
Nasa higit daan-libo parin umano ang mga estranded na mga seafarers sa kanilang mga barko sa buong mundo na nanga-ngailangan ng agarang tulong ng mga gobyerno sa bawat bansa. (Jose “Koi” Laura)