Advertisers
PATAY ang leader ng robbery hold-up group nang makipagbarilan sa Brgy. Calumpang San Miguel Bulacan nitong Sabado ng madaling araw.
Kinilala ang suspek na si Dante Tecson Jr. alyas Jun, nasa hustong gulang residente sa nabangit na lugar
Sa ulat, nagsagawa ng buy bust operation ang mga pulis sa lugar na nauwi sa palitan ng putok ng baril.
Nakuha ng Soco sa pinangyarihan ang isang cal.45 at tatlong plastic sachet ng shabu. (Thony D. Arcenal)