Advertisers
Aabot sa 76 bahay sa tabi ng dalampasigan sa Ibo, Lapu-Lapu City ang nawasak sa paghampas ng malakas na alon bunsod ng pananalasa ng bagyong Vicky nitong Biyernes ng gabi.
Sa report, naging maagap naman sa pagtugon ang emergency team ng lungsod kung kaya’t walang naitalang nasaktan.
Aabot sa 291 indibidwal ang inilikas at ngayon pansamantalang nanunuluyan sa Ibo Elementary School.